PAGTATALAGA SA SARILI

(PLEDGE OF COMMITMENT)

Bilang isang tao/ at Kristyano,/ ako si ____(BuongPangalan)______

ay naninindigan/ na ang bawa’t bata at matanda ay may karapatang mabuhay/ mapanatili ang dignidad,/ mailayo sa panganib,/ maalagaan, mabigyan ng lahat nang pagkakataong mamuhay/ nang maunlad,/ mapayapa/ at kapakipakinabang.//

Sa mahalagang araw na ito,/ itinatalaga ko ang aking sarili,/ sa tulong ng aking mga mahal sa buhay,/sa abot ng aking kakayahan/at sa paraang alam ko/ na patuloy na isulong/ ang Misyon/ mga Layunin/at mga Programa ng organisasyon/ na ADVOCATES FOR CHILDREN AND ELDERS/ INTERNATIONAL PHILIPPINES/bilang tanda ng aking pagmamahal sa Panginoon/ at paglilingkod/ sa aking lipunan at pamayanan,/ lalo’t higit sa mga bata,/ kabataan/ at mga nakatatanda/ na napabayaan/ at walang kakayahang maiangat/ ang kanilang mga kalagayan.//

Ang pagtatalagang ito ay ginawa ko/ sa harapan ni Rev. Fr. Lambert Legaspino,/ Spiritual Adviser ng ACE IPI, pati na sa lahat nang mga taong/ kasamang nagdiriwang/ ng ika-limang Anibersaryo ng ACE IPI./ ngayong ika-12 ng Marso, 2011,/ sa lungsod ng Paranaque .

KASIHAN NAWA AKO NG DIYOS.

Lagda:

______________________________

Pangalan ng Volunteer/Sponsor